AFP: Martial law sa Mindanao hindi pa dapat alisin

By Mark Makalalad May 24, 2018 - 03:24 PM

Inquirer file photo

Naniniwala si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. General Carlito Galvez na hindi pa napapanahon para i-lift ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Galvez, kailangan pa rin ang Martial Law lalo na’t nagkalat pa rin ang mga loose firearms sa Mindanao na maaring magamit at maging banta sa seguridad.

Base anya sa record ng AFP, Mula Enero nang taon na ito ay nasa 6,000 mga armas pa lang ang kanilang nakukuha at patuloy pa nilang hinahanap ang natitirang 80 percent sa mga armas na itinago.

Samantala sa kabila naman ng mga pagkwestyon, iginiit ni Galvez na maganda ang impelementasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Sa katunayan nga anya ay nakakatanggap sila ng papuri sa mga tao na nakikita umano sila ng ‘remarkable improvement’ sa peace and order sa lugar.

Dagdag pa ni Galvez, epektibo ang Martial Law dahil sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na batas ay nahahalughog nila ang mga natatagong armas at nahaharang ang mga lawless elements.

TAGS: AFP, duterte, galvez, Marawi City, Martial Law, Maute, AFP, duterte, galvez, Marawi City, Martial Law, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.