Sec. Duque at mga dating opisyal ng DOH pinagpapaliwanag sa Dengvaxia issue
Pinatatawag ng Department of Justice sina Health Secretary Francisco Duque III, dating Health secretary Janette Garin at iba pa kaugnay ng mga kasong kriminal ng mga pagkamatay na inuugnay sa Dengvaxia.
Sa pagdinig ngayong umaga, inatasan ng DOJ prosecutors ang respondents na humarap dito sa June 25 para isumite ang kani-kanilang conter-affidavits.
Inakusahan ng complainants ang Health officials, ang Sanofi Pasteur na manufacturer ng anti-dengue vaccine at ang local distributor na Zuellig Pharma ng reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa anti-torture law.
Inihain ng mga magulang ng mga nasawing bata ang reklamo sa tulong ng Public Attorney’s Office.
Nagsasagawa ng autopsy ang PAO sa mga labi ng mga inuugnay sa Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.