Talunang barangay kagawad patay sa ambush sa Negros Occidental

Tinambangan ng apat na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang natalong barangay kagawad sa Barangay Tan-awan sa Kabankalan City sa Negros Occidental.

Dead on the spot si Rodolfo Ambong makaraan ang pamamaril ng mga pinaniniwalaang rebelde.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Supt. Rhea Santos hepe ng Kabankalan Municipal Police Station na umaabot sa labingisang tama ng bala ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kanyang kaagad na kamatayan.

Batay sa imbestigasyon, pinagbabaril si Ambong habang sakay ng motorsiklo.

Nagpakilala umano ang mga suspek na mga residente ng Barangay Tanawan at miyembro ng NPA.

Narekober ng pulisya ang 15 basyo ng 9mm at Cal .45 na mga baril.

Ayon kay Santos, si Ambong ay kinasuhan ng murder ngunit ibinasura rin ang kaso matapos hindi tumestigo ang nag-iisang saksi sa krimen laban sa kanya.

Sinabi ng pulisya na posibleng may kaugnayan ang kaso sa pamamaril sa kanya.

Read more...