DOTr magtatayo ng cable car system sa Metro Manila
Positibo pa rin si Transportation Secretary Arthur Tugade na isulong ang paglalagay ng cable cars bilang tugon sa lumalalang lagay ng trapiko sa bansa.
Gayunman, hindi pa isnisiwalat ng kalihim ang detalye nito.
Ayon kay Tugade, isinapinal na nila ang naturang plano.
Aniya, nais niyang hindi nalalayo sa magiging pamasahe sa cable car sa pamasahe sa iba pang public utility vehicles, gaya ng jeepney, bus at Metro Rail Transit (MRT).
Sinabi ni Tugade na ayaw niyang maging mahal ito para mapakinabangan ng publiko.
Target ni Tugade na simulan ang cable car sa Pasig City na may kapasidad na 35 pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.