Imbestigasyon ng senado sa kawalan ng masterplan sa Marawi rehabiliation pulitika lang ayon sa Malakanyang

Radyo Inquirer File

Pumalag ang Malakanyang sa ikinakasang imbestigasyon ni Senador Antono Trillanes IV sa senado ukol sa umano ay kawalan ng master plan sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Sa pulong balitaan sa Marawi, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pulitika lamang ang ginagawa ni Trillanes.

Giit ni Roque, kung walang master plan ang gobyerno, wala sanang binuong Task Force Bangon Marawi na nakatutok sa rehabilitasyon sa siyudad.

Aabot na rin aniya sa 70 porsyento ng mga bakwit ang nakabalik na sa kani-kanilang mga lugar sa Marawi.

Inisa-isa ni Roque ang mga proyektong ginagawa ng gobyerno bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi City, kabilang na ang mga pabahay na tinitirhan na ngayon ng mga bakwit, eskwelahan, community centers, place of worships, at hanapbuhay sa mga residente.

Ibinida pa ni Roque na 47 sa mga eskwelahan sa Marawi City ay magbubukas na ngayong school year.

Sa kabila nito, tiniyak ni Roque na nakahanda naman ang Malakanyang maging ang Task Force Bangon Marawi na makipagtulungan sa imbestigasyon sa senado.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...