40 biktima ng human trafficking nailigtas ng NBI sa Maynila

By Rohanisa Abbas May 24, 2018 - 12:08 PM

Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang higit 40 biktima ng human trafficking sa Maynila.

Ayon sa NBI, papunta sa Middle East ang mga biktima na natagpuang nakakulong sa isang apartment sa San Andres, Bukid.

Sa 40 nasagip, pito rito ang menor de edad.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa Mindanao, partikular na sa Maguindanao at South Cotabato.

Gayunman, hindi naman dinatnan ng mga otoridad ang may-ari ng apartment nang isagawa ang operasyon.

Nadiskubre ng NBI ang mga biktima matapos isiwalat ng isang 17-taong gulang na babaeng patungong Saudi Arabia ngunit hinarang ng mga otoridad dahil sa kwestyunableng travel documents.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang NBI laban sa may-ari ng apartment.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: human trafficking, NBI, Radyo Inquirer, human trafficking, NBI, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.