Maliban sa nasawi, ang magdamagang operasyon ay nagresulta din sa pagkakadakip sa 32 katao kabilang ang isang bagong halal pa lamang na barangay kagawad na nasa “narco list” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Malolos City, kinilala ang isang nasawi na si Gilbert Lopez na nakuhanan ng isang kalibre .38 na baril at ilang sachet ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P130,000.
Ayon kay Supt. Heryl Bruno ng Malolos police, matagal nang minamanman si Lopez at pinakikiusapang sumuko.
Sa bayan ng Sta. Maria, nasawi naman ang isang alyas Onad at nakatakas ang isa pang kasama nito makaraang manlaban sa mga pulis na nagkasa ng operasyon.
Nanlaban din umano sa mga pulis ang isang alyas Dame sa Barangay Tabang, Guiguinto kaya nasawi ito sa buy-bust.
Si Dame ay nakulong na noon dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Habang sa Barangay Pandayan sa Meycauayan, Bulacan patay ang isang alyas Ric makaraang manlaban din sa mga pulis.
Ayon sa mga otoridad si Alyas Ric ay bago pa lamang na nagtatrabaho bilang supplier ng shabu.