Boston Celtics lumamang sa best of seven series ng NBA western conference finals

Nakalamang na ang Boston Celtics sa best of seven series sa western conference finals ng NBA.

Ito ay makaraang talunin ng Celtics ang Cleveland Cavaliers sa Game 5 ng laban sa score na 98-83.

Simula 1st quarter nagpaulan na ng score ang Celtics dahilan para makapagtala ng malaking kalamangan na naging bentahe ng koponan hanggang sa 3rd quarter.

Kabilang sa mga nakapag-ambag ng malaking puntos para sa koponan ay sina Jayson Tatum na may 24 points, Jaylen Brown – 17 points, at Al Horford – 15 points. Nag-ambag din ng tig-13 puntos sina Marcus Morris at Marcus Smart.

Sa panig naman ng Cavaliers, mula sa 44 points noong game 4 ay 26 points lang ang naibigay ngayon ni Lebron James.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...