PNP Chief Oscar Albayalde nais maging bahagi ang PNP sa Balikatan exercises

By Mark Makalalad May 24, 2018 - 10:47 AM

Nais ng pamunuan ng Philippine National Police na magiging bahagi sa taunang RP-US Balikatan Exercises.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, maganda ang training na nakukuha ng mga sundalong Pilipino mula sa mga sundalong Amerikano kaya nais din sana nito na maging bahagi sa training ang kaniyang mga pulis.

Paliwanag pa ni Albayalde, sa kanyang pakikipagpulong kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim, sinabi nya mismo na nais nya na isalang sa Balikatan exercises ang mga pulis mula sa Special Action Force (SAF) at Regional Mobile Group (RMG).

Sa pamamagitan kasi nito ay mas mahahasa pa ang kakayahan ng PNP at madadagdagan ang kakayahan sa pagresponde sa mga kalimidad at pagsugpo ng terorismo.

Noong nakaraang Linggo lamang ay natapos na ang Balikatan exercise kung saan 8,000 sundalo mula sa Pilipinas at US ang nakilahok.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Oscar Albayalde, PNP, Radyo Inquirer, US RP Balikatan Exercises, Oscar Albayalde, PNP, Radyo Inquirer, US RP Balikatan Exercises

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.