2 ang patay, 18 sugatan sa pagbangga ng tren sa isang truck sa Italy

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 24, 2018 - 10:39 AM

Torino Today via AP

Dalawa ang nasawi habang sugatan ang labingwalong iba pa makaraang bumangga ang isang tren sa isang malaking truck na huminto sa riles sa Turin, Italy.

Sa ulat ng Italian news agency na ANSA, kabilang sa nasawi ay ang engineer ng tren, habang nasawi din ang isa pa na unang napaulat na sugatan at isinugod sa pagamutan.

Umabot sa 18 ang dinala ng mga rumespondeng ambulansya sa ospital.

Ligtas naman ang driver ng truck na may kargang mga license plates na dadalhin sana sa isang warehouse.

Sa pahayag ng RFI regional railroad naibababa na ang railway barrier dahil mayroong paparating na tren pero sa hindi pa natutukoy na dahilan ay dumere-diretso ang truck, bimangga sa barrier at huminto sa riles.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: italy, Radyo Inquirer, Train, truck, italy, Radyo Inquirer, Train, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.