Sister Fox hanggang ngayon na lang pwedeng manatili sa bansa, kailangan nang umalis bukas ayon sa BI

By Ricky Brozas May 24, 2018 - 09:49 AM

Inquirer Photo

Mayroon na lamang hanggang bukas, May 25, si Sister Patricia Fox para umalis ng Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), final ang executory na kasi ang pagbawi ng ahensya sa kanyang missionary visa.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na ang visa forfeiture order ay natanggap ng kampo ni Sister Fox batay sa kanilang record noong April 25 at sa nabanggit na petsa magsisimula ang pagbibilang ng 30 araw na utos ng BI kay Sister Fox para umalis ng Pilipinas.

Dahil dito, mayroon na lamang hanggang May 25 o hanggang bukas ang Australyanong madre para tumalima sa utos ng BI.

Samantala, nanindigan din ang BI na hindi nila napagkaitan ng due process si Sister Fox nang sila ay magdesisyon na kanselahin ang kanyang missionary visa.

Iginiit ng BI Board of Commissioners na wala ring batayan ang argumento ni Sister Fox sa kanyang apela na wala silang sinasandalang matibay na ebidensya na siya ay nakiisa sa mga political activities sa Pilipinas.

Ayon sa BI, ilan sa mga aktibidad ni Sister Fox ay hindi na kasali sa mga aktibidad na pinahihintulutan ng ahensya nang siya ay bigyan ng missionary visa.

Ilan pa umano sa mga aktibidad ng madre ay hindi nangyari sa Barangay Amihan sa Lungsod ng Quezon, ang lugar kung saan sinabi niyang isasakatuparan niya ang kanyang missionary works nang siya ay mag-aplay para sa kanyang visa.

Paglilinaw pa ng BI, hindi maaring ipatupad nang mahigpit ang rules on evidence sa mga immigration case na itinuturing na administrative proceedings na nangangailangan lamang ng substantial evidence.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Sister Patricia Fox, Radyo Inquirer, Sister Patricia Fox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.