Mga pamilyang nasunugan sa Vasra, QC, pansamantalang nanuluyan sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center
Sa loob ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center pansamantalang tumutuloy ang 39 na pamilya na kabilang sa mga nasunugan sa Barangay Vasra sa North Avenue sa Quezon City.
Nasa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog na sumiklab Miyerkules ng hapon.
Ayon ka Fe Macale, ng social services development ng Quezon City, simula pa Miyerkules ng gabi ay binigyan na ng lokal na pamahalaan ng karampatang tulong ang mga nasunugan.
Kabilang dito ang pagkain at malinis na inuming tubig.
Dahil sa dami ng mga residente na nananatili pansamantala sa Ampi theater ng parks and wildlife center, naglatag din ng schedule ng pagligo at paglalaba ang DSWD.
Ang mga nais namang umasiste sa mga nasunugan ay maaring magpaabot ng tulong gaya ng mga damit dahil karamihan sa mga nasunugan ay halos walang naisalbang gamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.