Korean national nagpatiwakal sa Batangas

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 24, 2018 - 08:39 AM

Nasawi ang isang 56 anyos na Korean national makaraang magbigti sa tinutuluyang unit nito sa Batangas City.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, alas 10:50 ng gabi ng Miyerkules, May 23, nang makatanggap sila ng tawag na isang may isang dayuhan ang natagpuang nakabigti sa Barangay Pallocan East sa nasabing lungsod.

Nang rumesponde sa lugar dinatnan ng mga otoridad si Hyung Dong Kim, isang Korean national at isang construction general manager na nakabigti sa loob ng unit sa ikalimang palapag ng Maptan Building.

Ang driver na si Rommel Lontoc ang nakadiskubre sa wala nang buhay na katawan ng dayuhan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: batangas city, korean national, suicide incident, batangas city, korean national, suicide incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.