Babae patay makaraang tambangan ng riding in tandem sa Rodriguez, Rizal

Patay makaraang tambangan ng riding in tandem ang isang babae sa Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 4A, kinilala ang biktimang si Marilou Villarin na nagtatrabaho bilang floor manager.

Naganap ang pananambang alas 11:55 ng gabi ng Miyerkules, May 23.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril si Villarin ng dalawang hindi nakilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa harap ng Rein Zairin Resto Bar sa Barangay Manggahan.

Matapos ang krimen agad tumakas ang dalawang suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon at follow up operation ng mga otoridad sa nasabing insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...