Grupong PISTON, magsasagawa ng kilos protesta ngayong araw vs. oil price hike
Magsasagawa ng kilos protesta ang transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ngayong araw upang ipanawagan ang isang malawakang pagtapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa advisory na ipinadala sa media, sinabi ni Piston President George San Mateo na isasagawa ang protesta sa harapan ng Shell Tower sa Makati ganap na alas-10 ng umaga.
Anya, ito ay bilang kanilang pagkondena sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay San Mateo, hindi hinihiling ng kanilang grupo ang taas-pasahe sa mga public utility vehicles (PUVs) ngunit nais umano ng grupo na magpatupad ang gobyerno ng P6 discount sa mga drayber at opereytor ng PUVs.
Samantala, nagbabala si San Mateo na maaari pang maglunsad ng hiwalay na kilos protesta ang grupo laban sa oil price hike, jeepney phase out at maging sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.