Mahigit 500 undocumented na Pinoy nakabalik na ng bansa matapos mapa-deport mula Malaysia

Dumating na sa bansa ang mahigit 500 undocumented Filipinos na ipinatapon mula sa Malaysia.

Miyerkules ng gabi nang dumating sila sa Zamboanga City sakay ng isang commercial vessel.

Karamihan sa mga Pinoy ay pawang naaresto sa Malaysia dahil sa kakulangan ng legal na dokumento ng pananatili sa nasabing bansa.

Ilan naman sa mga deportees ay nagkasakit sa balat dahil sa pagkakakulong.

Anila, hindi kasi malinis ang kanilang detention cells at ang suplay ng tubig ay maliban sa limitado ay kontaminado pa.

Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bibigyan ng medical assistance ang mga umuwing Pinoy.

Mayroon na ring team mula sa Department of Health (DOH) na agad sumuri sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...