Grupong Karapatan pinaghahain ng kaso sa korte kaugnay sa mga napapatay na aktibista
Hinimok ng Palasyo ng Malacañan ang Grupong Karapatan na maghain ng kaso sa korte laban sa gobyerno kaugnay sa alegasyon na isang aktibista ang napapatay kada linggo mula nang umiral ang martial law sa Mindanao region.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang mangyayari sa alegasyon kung puro salita lamang at walang kasong isinasampa sa korte.
Malinaw naman aniya ang sistemang ligal sa Pilipinas na hindi uusad ang isang kaso kung walang reklamo.
Payo pa ni Roque sa Grupong Karapatan, i-dokumento ang mga kaso ng pagpatay.
Mayo ng nakaraang taon nang magdeklara ng martial law ang pangulo matapos ang ginawang pag-atake ng teroristang Maute Group sa Marawi City.
Ayon sa Karapatan, 72 political activist na ang napapatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.