Pwesto ng Pilipinas sa economic competitiveness bumulusok
Dumausdos ang ranggo ng Pilipinas sa World Competitiveness Yearbook (WCY) ng International Institute Management Development.
Mula sa ika-41 noong nakaraang taon ay nalaglag ang Pilipinas sa ika-50 sa 63 bansa sa economic competitiveness na pinakamalalang ranggo ng bansa sa nakalipas na sampung taon.
Laglag ang Pilipinas sa apat na pinakamalalaking kategorya ng ulat na kinabibilangan ng economic performance, government efficiency, business efficiency at imprastraktura.
Ang mga bansang nasa top 5 noong 2017 ay ang nangunguna pa rin sa ulat ngayong taon bagaman nabago lamang ang rankings.
Nangunguna ang Estados Unidos na sinundan ng Hong Kong, ikatlo ang Singapore, ikaapat ang Netherlands habang panglima ang Switzerland.
Ang bottom 5 naman ay kinabibilangan ng Venezuela, Mongolia, Croatia, Brazil at Ukraine.
Sa Asia-Pacific ay bumaba rin ang ranggo ng Pilipinas sa ika-13 mula sa ika-11 noong 2017.
Ayon sa ulat, pinakamalaki ang naging pagbaba ng Pilipinas dahil sa pagbagsak ng turismo at kawalan ng trabaho; paglala ng public finances; problema sa sistemang pang-edukasyon at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.