Kalidad ng buhay ng mga Pinoy nananatiling excellent — SWS
Bagaman bahagyang bumaba, nananatiling excellent ang pananaw ng mga pPilipino sa kalidad ng kanilang buhay at sa ekonomiya ng bansa.
Ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula March 23 hanggang 27, 2018, nasa 46% ang umaasa na bubuti ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Ang nasabing mga optimists ay mataas kumpara sa 6% na hindi maganda ang pananaw sa kalidad ng kanilang buhay sa susunod na mga buwan.
Nagresulta ito sa net optimism score na +40, bahagyang mababa sa +46 noong nakaraang quarter.
Samantala, nasa 42% naman ang nagsabi na uunlad ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan kumpara sa 12% na nagsabi na babagsak ito, bagay na nagresulta sa net score na +31 at 11 puntos na pagbaba sa huling quarter na +42.
Ayon sa SWS, excellent ang net optimism sa ekonomiya mula noong December 2015 na umabot pa sa pinakamataas na +56 noong June 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.