COMELEC Commisisoner Sheriff Abas hands-off sa plebesito para sa BBL

By Len Montaño May 24, 2018 - 04:01 AM

Nangako si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Sheriff Abas na hindi siya sasali sakaling magkaroon ng plebesito para sa ratipikasyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Pahayag ito ni Abas sa kanyang confirmation hearing kung saan lumusot na siya sa Commission on Appointments (CA).

Oras kasi na ipasa ng Kongreso ang BBL na bubuo sa Bangsamoro region, magsasagawa ang COMELEC ng plebisito sa mga apektadong lugar.

Pero dahil aniya sa tiyuhin niya si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chief Negotiator Mohagher Iqbal ay hands off siya at hindi sasama sa plebesito.

Ide-delegate umano ni Abas ang pagsasagawa ng plebisito sa kanyang mga kasamahan sa COMELEC.

Una nang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa na ang BBL bago ang May 30.

Noong Lunes naman ay sinabi ni Presidental Spokesperson Harry Roque na isesertipikang urgent ng pangulo ang panukalang batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.