Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili ang batas militar sa Mindanao dahil hindi pa napapanahon na tanggalin ito at hindi pa sapat ang isang taon ng martial law.
Paliwanag ng kalihim, wala namang gustong magkaroon ng martial law nang sobra sa pangangailangan nito.
Pero tiniyak naman ng Palasyo na kapag kailangan na ay tatanggalin na ng gobyerno ang batas militar sa rehiyon.
Inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa martial law ang Mindanao dahil sa giyera ng tropa ng gobyerno at Maute Group sa Marawi City.
Dalawang beses nang napalawig ang batas militar at mananatili ito hanggang sa pagtatapos ng taon.