TUCP umapela sa gobyerno na huwag madaliin ang pagpapatupad ng TRAIN 2

By Jong Manlapaz May 24, 2018 - 01:35 AM

Umaapela ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Duterte Administration na huwag madaliin ang pagpapatupad ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law 2.

Ayon sa TUCP, sa ngayon ay marami nang manggagawa ang nagdurusa dahil sa negatibong epekto ng pinatupad na TRAIN 1.

Simula Enero ngayong taon, tumaas ang inflation rate ng 4.5% hanggang ngayong buwan ng Abril.

Kabilang sa nagtaasan ng 7% ang ilang variety ng bigas, at presyo ng langis dahil sa TRAIN Law.

Habang ang ibang kumpanya umano gaya ng Coca Cola ay ginawang dahilan ang TRAIN 1 para magtanggal ng 600 manggagawa nito.

Ang TRAIN 2 ay isunulong na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may layunin na ibaba 25% mula sa 30% ang corporate income tax, at alisin ang ilang tax subsidies o incentives sa piling industriya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.