20 Vietnamese na mangingisda, arestado dahil iligal na pangingisda sa teritoryo ng Pilipinas

By Len Montaño May 23, 2018 - 10:07 PM

Dalawang bangkang pangisda na may sakay na 20 Vietnamese fishermen ang hinuli sa iligal na pangingisda sa Mangsee Island sa Palawan.

Nagpapatrulaya ang Philippine Navy Patrol Craft nang hulihin ang mga bangka ng mga dayuhan dahil sa poaching.

Ayon kay Capt. Cherly Tindog ng Western Command, nakumpiska sa mga bangka ng mga Vietnamese ang mga patay na pating at stingray.

Nasa 54 na mga patay na pating at stingrays ang narekober mula sa mga dayuhang mangingisda.

Dinala ang mga Vietnamese sa kaukulang ahensya ng gobyerno para sa tamang aksyon.

Sa ngayon ang mga dayuhan ay nasa kustodiya ng rovincial prosecutor para sa inquest.

TAGS: Palawan, vietnamese, Palawan, vietnamese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.