Rehabilitasyon ng Marawi, dapat bilisan

By Len Montaño May 23, 2018 - 10:04 PM

Dapat bilisan ang rehabilitasyon ng Marawi dahil nasa peligro pa rin ang mga apektadong residente isang taon makalipas ang gulong dulot ng teroristang maute group.

Ayon sa International Committee of the Red Cross nasa 230,000 na mga katao ang nananatiling displaced kahit tapos na ang giyera.

Dapat umanong mabawasan ang paghihirap ng mga residente kaya kailangan na maging mabilis ang pagbangon ng siyudad.

Sinabi ni Pascal Porchet, Head ng ICRC delegation sa Pilipinas na kumaunti na ang pinamimigay na mga pagkain at wala ng gaanong inaalok na trabaho sa mga naapektuhan ng gulo.

Dagdag ng grupo, nakaasa pa rin ang mga Marawi evacuees sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa kanilang pamumuhay habang ang mga bakwit sa mga evacuation centers ay hirap sa hindi magandang kundisyon sa lugar at dumarami ang nagkakasakit.

Wala na rin anyang sapat na supply ng tubig at kuryente at maski ang tamang sewage system ay dapat na maresolba agad.

Nangako naman si Porchet na patuloy nilang tutulungan ang mga biktima ng limang buwang Marawi siege.

TAGS: marawi, rehab, marawi, rehab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.