Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumpiyansa ang palasyo na magagampanan ni Abas ang kanyang tungkulin na may kasamang integridad, excellence at competence.
Dagdag ni Roque, umaasa ang palasyo na makukuhang muli ng electoral body ang public trust.
Ayon kay Roque, “We are confident that Chairperson Abas would carry out his duties with integrity, excellence and competence to regain public trust in the electoral body”.
Matatandaang una nang nagbitiw sa puwesto si dating Comelec Chairman Andy Bautista matapos kasuhan ng kanyang asawang si Patricia Bautista ng libel, perjury at damage suits dahil sa hindi pagsuporta sa kanya.
Bukod dito, naharap din si Bautista ng impeachment complainmt sa Kamara dahil sa hindi deklaradong yaman.