Franchise bill sa mga mining firm lusot na sa dalawang komite sa Kamara
Aprubado na sa dalawang komite sa Kamara ang panukala upang kumuha ng legislative franchise ang lahat ng mining operations sa bansa.
Aamyendahan ng inaprubahang panukala ng House Committee on Legislative Franchises at Committee on Natural Resources ang Philippine Mining Act of 1995.
Sa ilalim ng panukala kailangang kumuha muna ng legislative franchise ang lahat ng mga private contractors bago sila mag apply ng large-scale mining permit o exploration permit.
Ang mga mayroon nang kontrata para sa pagmimina ay mayroong dalawang taon kapag naipasa ang batas para kumuha ng prangkisa.
Paliwanag ng pangunahing may akda ng panukala na si House Speaker Pantaleon Alvarez na sa pamamagitan ng panukala masusuring mabuti ng Kongreso ang kung anong responsableng mining firm ang dapat mag-operate sa bansa.
Ipinagbabawal naman sa panukala ang lahat ng uri ng pagmimina sa mga critical watershed.
Nakasaad din dito ang pagpapataw ng 20 percent na export tax sa loob ng apat na taon para sa mga mamiminang ore na ilalabas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.