Mga akusado sa Atio Castillo case nailipat na sa Manila City Jail

Inquirer file photo

Nasa kustodiya na ng Manila City Jail ang mga akusado sa pagpatay  sa University of Santo Tomas law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng Manila Regional Trial Court Branch 20 para sa paglilipat ng 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na isinasangkot sa hazing na nagresulta sa pagkamatay ni Atio.

Ang mga akusado ay naka-suot ng mga bullet proof vest sa ibabaw ng kanilang standard na kulay orange na detainee t-shirt nang ibiyahe ito papunta sa Manila City Jail mula sa Headquarters ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sumailalim muna sa medical check up ang suspek bago umalis  ng nbi compound 2:30 at dumating sa Manila City Jail bago mag-3:00 ng hapon.

Ang mga akusado ay nahaharap sa patong patong na kaso kaugnay ng pagkamatay ni atio kabilang ang paglabag sa anti-hazing law at murder.

Read more...