Malacañang pumalag sa #BabaeAko social media campaign

By Chona Yu May 23, 2018 - 03:44 PM

Hindi nagustuhan ng Malacañang sa inilunsad na social media campaign na #BabaeAko na kumukontra sa mga pang aalipusta umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kababaihan.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, pamumulitika lamang ang layunin ng #BabaeAko campaign.

Malinaw ayon kay Go na noon pa man ay tagapagtaguyod na ang pangulo ng karaparan ng mga babae.

Sinabi pa ng opisyal na may mga isinulong na ordinansa ang pangulo noong mayor pa siya ng Davao City na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan.

Ayon kay go, ang pangulo rin nasa likod ng Women Development Code at pagkakaroon ng Integrated Gender Development Division sa lunsod ng Davao.

Dahil dito ay kinilala aniya ang Davao bilang Gender and Development Local Learning Hub ng Pilipinas.

Hindi makatarungan ayon kay Go na mababa ang tingin ng ilang mga babae sa pangulo.

TAGS: babaeako, bong go, duterte, Malacañang, social media, babaeako, bong go, duterte, Malacañang, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.