Appointment ng bagong Comelec Chairman lusot na sa C.A

Photo: Jan Escosio

Kinumpirma na ng makapangyarihang Commission on Appointments bilang bagong Chairman ng Comelec si Sheriff Abas.

Si Sen. Cynthia Villar ang nagtulak ng kumpirmasyon ni Abas sa plenaryo at sinundan siya nina Sen. Migs Zubiri at Davao Rep Joel Mayo Almario.

Kapalit si Abas ni dating Comelec Chairman Andres Bautista na nagbitiw sa posisyon sa gitna ng nakaambang impeachment complaint at senate inquiry.

Sa kanyang pagkakahirang, si Abas ang kauna unahang Comelec Chairman na Muslim, mula sa Mindanao at ang pinakabata sa edad na 39.

Pamangkin siya ni MILF chief negotiator Mohaqer Iqbal.

Sa pagsalang niya sa CA, pinanindigan nito ang kredibilidad ng 2016 elections at ipinaliwanag ang mga teknikalidad sa isang automated election.

Read more...