Malacañang: Pagsasabatas ng Philippine I.D System tuloy-tuloy na

By Chona Yu May 23, 2018 - 03:14 PM

Ikinatuwa ng Malacañang ang pag-apruba ng Bicameral Conference Committee sa panukalang batas na magtatatag ng Philippine Identification System.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magandang balita ito para sa palasyo.

Hindi maikakaila ayon kay Roque na isa sa mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyong Duterte ang magkaroon ng Philippine Identification System.

Sa ilalim ng panukala, isang government issued I.D system na lamang ang gagamitin ng mga Filipino sa passport, driver’s license, Social Security System, Government Insurance System, Philhealth, Pagibig at National Bureau of Investigation.

Habambuhay  na rin na magiging valid ang philippine identification system at wala nang expiration.

Magugunitang ilang beses na ring isinulong ang nasabing panukala sa mga nakalipas na administrasyon na kilala rin sa tawag na national I.D system.

TAGS: Bicam, Malacañang, national i.d system, Roque, Bicam, Malacañang, national i.d system, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.