Labi ng OFW na natagpuan sa isang septic tank sa South Korea, mauiwi na ng Pilipinas

By Angellic Jordan May 23, 2018 - 12:12 PM

Maiuuwi na ng Pilipinas ang mga labi ng OFW na nakita ang bangkay sa isang septic tank sa South Korea ngayong linggo.

Ayon sa kapatid ng biktimang si Angelo Claveria, inihahanda na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga dokumento para sa pag-uwi ng mga labi sa Cabatuan, Iloilo.

Sa Iloilo kasi nakabase ang pamilya ng biktima.

Binigyan ng otorisasyon ng ina ni Claveria si Geln Corpin, Assistance to Nationals officer ng Philippine Embassy sa South Korea, para asikasuhin ang mga dokumento sa nasabing bansa.

Sasalubungin naman ng pamilya Claveria ang mga labi ng biktima sa Iloilo International Airport.

Samantala, bibigyan ng tulong-pinansiyal ng OWWA ang pamilya para sa libing ng biktima at ang matitira ay mapupunta sa kanyang ina.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ofw, OWWA, Radyo Inquirer, south korea, ofw, OWWA, Radyo Inquirer, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.