Houston Rockets naitabla ang serye sa game 4 ng NBA western conference finals

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 23, 2018 - 11:32 AM

Nagawang itabla ng Houston Rockets ang serye sa game 4 para sa best of seven ng NBA western conference finals.

Ito ay makaraang talunin ng Rockets ang Golden State Warriors sa score na 94-92.

Maagang lumamang sa 1st quarter ng laban ang Warriors makaraang magtala ito ng 28 puntos kumpara sa 19 lang na puntos ng Rockets.

Pero pagsapit ng 2nd quarter bumawi ang Rockets nagpaulan ng 34 na puntos kumpara sa 18 puntos lang ng Warriors.

Pagsapit ng ikatlong bahagi ng laban, 34 puntos naman ang naibigay ng Warriors habang 17 points lang ang Rockets.

Dahil dito, naging mahigpitan ang laban ng dalawang koponan sa 4th quarter.

Sa nalalabing ilang segundo ng laban lumamang ng tatlo ang Rockets, pero nagawa pang makapagpasok ng 1 point ng Warriors kaya inakala ng NBA fans na mauuwi sa overtime ang laban.

Pero kinapos na ang Warriors at hindi nagawang itabla ang score.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: houston, NBA, Rockets, warriors, houston, NBA, Rockets, warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.