Militanteng grupo nagsagawa ng pagkilos sa Mendiola sa anibersaryo ng Marawi Siege

By Ricky Brozas May 23, 2018 - 11:31 AM

Kuha ni Arlyn Dela Cruz

Kasabay ng unang anibersaryo ng madugong pag-atake ng Maute Group sa Lungsod ng Marawi, nangalampag sa Mendiola ang mga militanteng grupo para kundinahin ang patuloy na pag-iral ng martial law sa Mindanao.

Tinatayang nasa 200 na mga raliyista ang nagmartsa patungo sa Mendiola mula sa UST sa España, Maynila.

Ang rally ay pinangunahan ng grupong Bayan, Bayan Muna, Anakpawis at Anakbayan.

Panawagan nila, bawiin na ang ipinatupad na martial law sa Mindanao na idineklara sa bisa ng Proclamation 216 noong May 23, 2017 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte at dalawang beses na pinalawig ng Kongreso.

Sa pagsisimula ng programa sa Mendiola, naglaan ang mga raliyista ng isang minutong katahimikan para sa mga namatay sa pag-atake sa Marawi.m

Kahit mainit ang panahon, hindi natinag ang mga militante sa pagkundina sa umanoy nagaganap na paglabag sa karapatang pantao nang dahil sa pag iral ng martial law.

Partikular umanong nakakaranas ng karahasan ng militar ang mga lumad, Moro at iba pang katutubo.

Naniniwala rin sila na nakakaranas ng de facto martial law ang buong bansa.

Dahil sa protesta, bahagyang nagbabagal ang daloy ng traffic sa kanto ng Legarda at Recto Avenue.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Marawi City, Radyo Inquirer, Rally, Marawi City, Radyo Inquirer, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.