Mga kongresista at mga mayor na nakialam sa Barangay at SK Elections dapat panagutin sa vote buying ayon sa Namfrel
Hinikayat ng National Movement for Free Elections (Namfrel) ang Department of Interior and Local Government (DILG) na sampahan ng kaso ang mga kongresista at mga alkalde na nakialam sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ay makaraang ihayag ni DILG Undersecretary Martin Diño na mayroong nasa 100 miyembro ng House of Representatives at 1,000 alkalde at bise alkalde ang sangkot sa vote-buying para tulungan ang kanilang mga sinusuportahang mga opisyal ng barangay.
Ayon kay Namfrel Secretary General Eric Alvia, magandang hakbang ang ginawa ni Usec. Diño, pero hindi sapat na banggitin lang kung sino-sino ang mga kongresista at mayor na nakialam sa eleksyon bagkus ay dapat silang kasuhan.
Dapat ani Alvia ay kasuhan na ng DILG ang mga lumabag na opisyal.
Magugunitang si House Deputy Speaker Representative Raneo Abu ng 2nd district ng Batangas ay sinampahan ng reklamo dahil sa paggamit ng public funds sa partisan political activities.
Si Abu at iba pang kongresista at mga alkaldeng inaakusahan ng vote buying ay dapat magpaliwanag ayon sa Namfrel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.