Suspek sa pagpatay sa isang pulis sa Antipolo, arestado na

By Mark Makalalad May 23, 2018 - 10:45 AM

Arestado na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na namaril at nakapatay sa isang pulis sa Antipolo Rizal.

Ang suspek na si Crispin Palcunit ay iniharap sa mga mamamahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Kasong murder ang kakaharapin ni Palcunit kaugnay sa pagpatay kay PO3 Don Carlo Mangui noong Linggo ng gabi.

Nabatid na maliban kay Palcunit, mayroon pa siyang ibang kasamahan sa ginawang pananambang.
Nasugatan din ang isang Cris Baquiran nang barilin ng makasalubong ang mga tumatakas na suspek na sakay ng motorsiklo.

Si PO3 Mangui na nakatalaga sa crime laboratory sa Camp Crame ay binarily habang nakikipag-inuman siya sa kaniyang mga kaibigan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, ANtipolo Rizal, PO3 Mangui, Radyo Inquirer, ambush, ANtipolo Rizal, PO3 Mangui, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.