US wala ding magagawa sa South China Sea kahit hingan pa ng tulong ng Pilipinas

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 23, 2018 - 10:19 AM

Masyado nang malakas ang pwersa ng China sa West Philippine Sea kaya mahirap na ang sitwasyon ng Pilipinas kahit pa humingi ito ng tulong sa Estados Unidos.

Ito ang sinabi ni Prof. Rommel Banlaoi, isang national security expert sa panayam ng Radyo Inquirer.

Ani Banlaoi, malakas ang presensya ng militar ng China lalo na sa Scarborough Shoal kaya kahit ang US ay mahihirapang umaksyon dito.

Sinabi ni Banlaoi na mayroong standing policy ang US na pagiging neutral sa usapin ng territorial claims at ang tanging interest lamang nila sa South China Sea ay ang mapanatili ang freedom of navigation.

Malinaw din ayon kay Balaoi na ayaw ni Pangulong Rodigo Duterte na humingi ng tulong sa Estados Unidos para maigiit ang pagmamay-ari ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa kabila nito ani Banlaoi, malakas pa rin naman ang military relationship ng Pilipinas at ng Amerika.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, scarborough shoal, West Philippine Sea, Radyo Inquirer, scarborough shoal, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.