Clearing operation sa Marawi, tinututukan ng AFP

By Mark Makalalad May 23, 2018 - 09:59 AM

Patuloy ang isinasagawang clearing operations ng Armed Forces of the Philippines sa Marawi matapos ang ilang buwang gyera at makontrol ng Maute ISIS terrorist group ang lungsod.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, hindi pa kasi 100 percent cleared ang area ng Marawi at base sa kanilang pagtataya ay 15 percent pa ang kailangang trabahuhin ng militar.

Gayunman, batid nila na naiinip na ang ilang residente ng Marawi na makabalik sa kanilang tirahan kaya ginagawa nila ang lahat upang mabilis na matapos ang clearing operation.

Dadagdag nya, nasa Marawi pa aniya ang kanilang combat engineering brigade na kinabibilangan ng Philippine Army, Navy at Air Force upang tutukan phases ng rehabilitasyon.

Sinabi naman ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na nasa 24 na mga barangay pa na nasa loob ng ground zero ang delikado pa ring tirahan dahil sa mga naiwan o sadyang itinanim na bomba ng Maute ISIS.

Bukod sa mga tanim na bomba, hindi pa rin ganap na nare rekober ang mga bomba na pinakawalan ng tropa ng pamahalaan na hindi sumabog habang sa gitna ng giyera sa Marawi.

Ngayong May 23, isang taon na ang nakakalipas nang simulang salakayin ng maute isis terrorist group ang Marawi City kung saan mahigit isang libong sibiyan, sundalo at pulis ang namatay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Marawi City, Radyo Inquirer, rehabilitation, Marawi City, Radyo Inquirer, rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.