Panukala para itaas ang campaign expenditure ng mga kandidato pasado na sa kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukala para sa pagtataas ng campaign expenditure ng mga kandidato kada botante.

Sa botong 179 na Yes at 0 na No lumusot ang House Bill 7295 na mag aamyenda sa Republic Act 7166 o ang
synchronized national and local elections and electoral reforms Act.

Mula sa kasalukuyang P10 gastos kada botante gagawin itong P50 para sa tumatakbo sa pagka presidente at P40 para sa vice president.

Mula naman sa P3 gastos bawat botante gagawing P30 ito para sa mga tumatakbo sa pagka senator, district congressmen, governor, vice governor, board member, mayor, vice mayor at councilor.

Sa ilalim ng panukala papayagan ang mga Partylist groups na gumastos ng P10 bawat botante.

Mula naman sa kasalukuyang P5 gastos bawat botante papayagan ang mga political party na gumastos ng P30 para sa bawat isang botante.

Nakasaad din dito na ang mga kandidatong walang political party o independent ay maaring gumasta ng P40 para sa bawat botante.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...