Mark Zuckerberg nag-sorry sa European Parliament

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 23, 2018 - 09:27 AM

Humingi ng paumanhin si Facebook chief Mark Zuckerberg sa European Parliament sa aberyang naidulot ng data breach at sa kabiguang masawata ang fake news.

Sa kaniyang pagharap sa European Parliament, nakulangan ang mga opisyal sa naging testimony ani Zuckerberg.

Ang testimony ani Zuckerberg sa Brussels ang pinakabago sa kaniyang tour of apology dail sa Cambridge Analytica scandal.

Magugunitang nagisa din siya ng husto ng US Congress noong Abril sa loob ng 10 oras.

Susunod na magtutungo si Zuckerberg sa Paris.

Pag-amin ni Zuckerberg bagaman naglagay ng mga bagong features ang Facebook sa nakalipas na dalawang taon ay malinaw na hindi sapat ang mga ito para maiwasan na makapagdulot ng hindi maganda sa tao ang mga naipo-post sa social networking site.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: facebook, Radyo Inquirer, facebook, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.