Anim na palapag na Eastern Visayas Regional Medical Center, binuksan na

By Chona Yu May 23, 2018 - 08:28 AM

Pormal nang binuksan ang 497 million pesos na six story main building ng Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) sa Tacloban City sa Leyte.

Pinangunahan ng common law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña at ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang inagurasyon ng bagong gusali.

Sinabi ni Avanceña na ang mabilis na competion ng proyekto ay patunay ng pagmamahal ng pangulo sa mga residente ng Region 8 na matatandaang nakaranas ng matinding hagupit ng bagyong Yolanda noong 2013.

Inihayag din ni Avenaceña na iniyakan ni Pangulong Duterte ang napakaraming namatay noon sa bagyong Yolanda.

Samantala sinabi naman ni Go na kasabay ng pagbubukas ng main building ng EVRMC ay hudyat naman ng expansion sa rehiyon ng malasakit center ng Pangulong Duterte na isang one-stop-shop para sa mas accessible na programa ng gobyerno na magbibigay ng medical financial assistance sa mga mahihirap.

Kasabay nito, nagturn-over si Go ng 15 million pesos sa EVRMC management para sa unang buwan pa lamang na operasyon ng Malasakit Center na ikalawa na sa Visayas kung saan ang isa ay nasa Cebu City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Eastern Visayas Regional Medical Center, hospital, Radyo Inquirer, Eastern Visayas Regional Medical Center, hospital, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.