Flooding o sapilitang pagpapainom ng maraming tubig sa mga kalabaw nabuking ng NMIS sa isang katayan sa Region 3

By Jong Manlapaz May 23, 2018 - 07:59 AM

Mariing kinondena ng National Meat Inspection Service ang brutal na pagpapahirap sa ilang mga kalabaw sa slaughterhouse sa Region III bago ito katayin.

Nabisto kasi ng NMIS na may pitong kalabaw ang idinaan sa flooding o sapilitang pagpapainom ng maraming tubig bago katayin.

Paliwanag ni NMIS Executive Director Dr. Ernesto S. Gonzales, ginagawa ito sa ilang katayan para madagdagan ng bigat ang kalabaw.

Kabilang sa nakita nilang palatandaan ng flooding sa kalabaw ang pagkadilat ng mga mata, inaantok at kawalan ng balanse, sobrang dami ng ihi atwatery diarrhea.

Ang “Flooding” ay labag sa umiiral na Republic Act No. 8485 (The Animal Welfare Act), dahil sa hindi makataong trato sa mga subject food animals, may kaakibat din kulong dito sa paglabag da Republic Act No. 7394 (The Consumer Act of the Philippines) dahil sa pangloloko at hindi patas na pagbebenta ng produkto.

Ang karne ng pitong kalabaw na dinaan sa flooding ay ibinaon na sa Pampanga para hindi na mabenta pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: animal welfare act, carabao, flooding, NMIS, animal welfare act, carabao, flooding, NMIS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.