ER ng PGH isasara muna mula June 1 para isailalim sa renovation
Isasara muna ang emergency room ng Philippine General Hospital (PGH) simula sa June 1 araw ng Biyernes.
Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, magsasagawa kasi sila ng renovation sa ER dahil sampung taon na rin ang nakalilipas mula nang huli itong ma-renovate.
Paliwanag ni Del Rosario, kailangang-kailangan na ang renovation para matiyak ang maayos na serbisyo publiko sa hinaharap.
Sa pagtaya ni del Rosario, aabot ng 4 hanggang 8 buwan ang pagsasailalim sa renovation ng ER.
Sa kabila nito, sinabi ng pamunuan ng PGH na pwede pa rin silang tumanggap ng emergency cases.
Gayunman, dahil mas maliit ang kwartong gagamitin bilang pansamantalang ER ay nag-abiso na ang PGH na maghanap muna ng ibang pagamutan kung hindi naman grabe ang lagay ng pasyente.
Puwede pa rin namang tumanggap ng emergency cases ang PGH pero dahil mas maliit ang kapasidad ng gagamiting kuwarto, nag-abiso na ang ospital sa mga pasyente na maghanap ng ibang pagamutan kung hindi naman sobrang emergency ang lagay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.