May anti-Christian forces na umaatake sa Catholic values ayon kay Archbishop Villegas
“Sobra na!”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Lingayen Archbishop Socrates Villegas tungkol sa umano’y pag-arangkada ng anti-Christian na pwersa at sumusubok sa katuruang katoliko.
Sa kanyang pastoral reflection para sa kapistahan ng Mary Help of Christians, hinimok ng dating lider ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mamamayan na idulog sa Birheng Maria ang mga nangyayari sa bansa.
Aniya, laganap ngayon ang paglabag sa mga karapatang pantao, kasinungalingan at pekeng mga balita, pag-itswapera sa legal na proseso at pagpatay sa mga mahihirap at walang kalaban-laban.
Binatikos din ni Villegas ang umano’y pangungutya sa isang napatay na hindi na kayang ipagtanggol ang sarili na nakadadagdag pa sa dalamhati ng mga naiwan nito.
Anya, hindi dapat gawing ‘excuse’ ang pagpatay dahil lamang sa hindi pa napapatunayang akusasyon ng imoralidad ng napatay.
Sa huli, hinimok ng arsobispo ang publiko na mag-isip, manalangin, at sama-samang ipagtanggol ang Kristiyanong moralidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.