Wala nang makapipigil pa sa pagpapatupad ng dagdag-singil sa presyo ng kuryente para sa buwan ng Hunyo.
Ito ay matapos aprubahan ang pagtataas sa ‘feed-in-tariff allowance (Fit-All) o ang ibinabayad sa mga plantang gumagawa ng renewable energy.
Bunsod nito inaasahang tataas ang halaga ng Fit-All sa P0.25 kada kilowatt hour (kWh) mula sa kasalukuyang P0.18 kada kWh.
Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC) at National Transmission Corporation (TransCo), pasok na ang dagdag-singil sa bill ngayong June ng lahat ng electric cooperative at distribution utility dahil sa pagtataas sa Fit-All.
Sa kabila ng mga protesta ng ilang grupo tulad ng Bayan Muna at Laban Konsyumer ay nanindigan naman ang Meralco na naniningil lamang sila ng bayad para sa kuryente at kailangan nilang tumalima sa utos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.