Ngayong araw, patuloy na magiging maalinsangan ang panahon bunsod pa rin ng easterlies na may posibilidad ng pag-ulan sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.
Inaasahang aabot sa 38 degrees Celsius ang peak temperature sa Tuguegarao City ngayong araw habang 34 degrees Celsius naman sa Metro Manila.
Kahapon, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao City pa rin sa 38.8 degrees Celsius.
Umabot naman sa 48.2 degrees Celsius ang heat index kahapon sa NAIA sa Pasay City na sinundan ng San Jose, Occidental Mindoro at Casiguran, Aurora sa 45.9 at 45.5 degrees Celsius.
READ NEXT
Pangulong Duterte, maaaring dumalo sa paggunita sa unang anibersaryo ng Marawi siege – Malacañang
MOST READ
LATEST STORIES