Heat index sa Pasay City kahapon umabot sa 48.2 degrees Celsius

By Rhommel Balasbas May 23, 2018 - 06:20 AM

Wala pa ring namamataang bagyo o sama ng panahon ang PAGASA sa buong bansa sa kasalukuyan.

Ngayong araw, patuloy na magiging maalinsangan ang panahon bunsod pa rin ng easterlies na may posibilidad ng pag-ulan sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.

Inaasahang aabot sa 38 degrees Celsius ang peak temperature sa Tuguegarao City ngayong araw habang 34 degrees Celsius naman sa Metro Manila.

Kahapon, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao City pa rin sa 38.8 degrees Celsius.

Umabot naman sa 48.2 degrees Celsius ang heat index kahapon sa NAIA sa Pasay City na sinundan ng San Jose, Occidental Mindoro at Casiguran, Aurora sa 45.9 at 45.5 degrees Celsius.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: easterlies, heat index, high temperature, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, easterlies, heat index, high temperature, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.