Pangulong Duterte, maaaring dumalo sa paggunita sa unang anibersaryo ng Marawi siege – Malacañang

By Rhommel Balasbas May 23, 2018 - 05:01 AM

Maaaring dumalo sa paggunita sa unang anibersaryo ng karahasan sa Marawi City ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Sa isang pulong balitaan sa palasyo sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mayroong mga plano ang presidente na tumungo sa lungsod ngunit hindi pa makumpirma dahil sa mga konsiderasyong panseguridad.

Sa pagkakaalam umano ni Roque ay pareho silang pupunta sa Marawi ngunit wala pa umanong iskedyul kaya hindi pa niya ito makumpirma.

Ang pahayag na ito ni Roque ay taliwas sa pahayag ni Special Assistant to the President Bong Go na hindi dadalo ang pangulo ngayong araw at iginiit na pupunta si Duterte sa araw na idineklarang malaya na ang Marawi sa kamay ng Maute Terror Group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.