Sa kanyang talumpati sa 120th Founding Anniversary ng Philippine Navy, sinabi ng pangulo na dapat nating aminin na hindi kakayanin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pumasok sa giyera kontra China.
Mas magiging madugo umano kung magiging padalos-dalos ang kanyang desisyon bilang commander-in-chief.
Sagot ito ni Duterte kung bakit tahimik ang kanyang administrasyon sa patuloy na pagpapalakas ng pwersa ng China sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea.
Sinabi rin ng pangulo na nakahanda siyang sagutin ang lahat ng mga pananagutan sa kanyang mga desisyon kaugnay sa usapin sa mga pinag-aagawang isla.
Iginiit naman ng pangulo na patuloy niyang pangangalagaan ang mga baybaying dagat ng Pilipinas pati na ang maritime borders
Samantala, pinasalamatan naman ng pangulo ang kabayanihan ng mga kawal sa pagtatanggol ng kasarinlan ng bansa.