Pangulong Duterte hindi gustong isakripisyo ang AFP para makipaggiyera sa China
Nais sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng mas matapang at mas marahas na aksyon laban sa patuloy na militarisasyon ng China sa South China Sea pero ayaw nitong isakripisyo na mamatay ang maraming sundalong Pilipino.
Sa kanyang talumpati sa 120th Founding Anniversary ng Philippine Navy, sinabi ng pangulo na dapat nating aminin na hindi kakayanin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pumasok sa giyera kontra China.
Mas magiging madugo umano kung magiging padalos-dalos ang kanyang desisyon bilang commander-in-chief.
Sagot ito ni Duterte kung bakit tahimik ang kanyang administrasyon sa patuloy na pagpapalakas ng pwersa ng China sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea.
Sinabi rin ng pangulo na nakahanda siyang sagutin ang lahat ng mga pananagutan sa kanyang mga desisyon kaugnay sa usapin sa mga pinag-aagawang isla.
Iginiit naman ng pangulo na patuloy niyang pangangalagaan ang mga baybaying dagat ng Pilipinas pati na ang maritime borders
Samantala, pinasalamatan naman ng pangulo ang kabayanihan ng mga kawal sa pagtatanggol ng kasarinlan ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.