Mga kawani ng gobyerno na sangkot sa droga binantaan ni Pangulong Duterte

By Len Montaño May 23, 2018 - 04:03 AM

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo, pulis, mga lokal na opisyal, at mga opisyal ng barangay na sila ang unang masisibak kapag nasangkot sila sa droga.

Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Philippine Navy, inamin ng pangulo na hirap pa rin ang bansa ngayon sa paglaban sa iligal na droga.

Kaya ang mga una anyang dapat matanggal ay ang mga miyembro ng pulisya, militar, at lokal na pamahalaan na dawit sa droga.

Dagdag ng pangulo, wala ng atrasan ang kanyang war on drugs kahit pa marahas ang kanyang estilo.

Pero sinabi rin ni Duterte na suportado niya ang mga pulis at sundalo sa paglaban sa droga at hindi niya hahayaan na sila ay makulong sa gitna ng pagtupad sa kanilang tungkulin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.